Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), naganap ang sunog dakong alas 5 ng umaga kung saan nadamay ang yateng Karisma, Escomdite at Pacific Princess.
Mabilis namang rumesponde ang mga elemento ng Manila Fire Department at Chinese Volunteers kung kayat napigilan pa ang pagkalat ng apoy sa iba pang yate.
Isa naman sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad ay ang motibo na may kinalaman ang pagkasunog ng mga yate sa isinagawang rally ng mga empleyado ng Manila Yacht Club na humihingi ng dagdag na sahod.
Wala namang naulat na nasaktan o namatay sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)