3 yate tinupok ng apoy
August 25, 2003 | 12:00am
Tatlong yate na milyun-milyon ang halaga ang nawasak matapos na matupok ng apoy na sunud-sunod na sumiklab habang nakadaong ang mga ito kahapon ng umaga sa Roxas Blvd, sa lungsod ng Maynila.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), naganap ang sunog dakong alas 5 ng umaga kung saan nadamay ang yateng Karisma, Escomdite at Pacific Princess.
Mabilis namang rumesponde ang mga elemento ng Manila Fire Department at Chinese Volunteers kung kayat napigilan pa ang pagkalat ng apoy sa iba pang yate.
Isa naman sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad ay ang motibo na may kinalaman ang pagkasunog ng mga yate sa isinagawang rally ng mga empleyado ng Manila Yacht Club na humihingi ng dagdag na sahod.
Wala namang naulat na nasaktan o namatay sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended