^

Metro

Pulis binaril bago nagpakamatay

-
Isang lalaki ang nagpakamatay makaraang barilin nito at mapatay naman ang isang retiradong pulis sa isang inuman kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa Mission Hospital ang mga biktimang sina Danilo Bernardo, #53 ng 01 Dahlia St. de Castro Subd., Brgy. Sta. Lucia na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at Ret. Lt. Alfredo Santiana, 63, ng #19 Jenny’s Ave. Brgy. Maybunga na binaril naman sa puso ni Bernado ng .38 kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa bahay mismo ng suspect habang masaya itong nag-iinuman kasama ang biktima at mga kaibigan na sina Renato Ramos, 41, at Arturo Garcia, 57.

Dala ng kalasingan, pansamantalang lumabas ng bahay sina Ramos at Garcia subalit nagulat na lamang sila nang marinig ang isang putok ng baril.

Nakita na lamang nilang nakahandusay si Santiana habang papasok naman ng kuwarto si Bernardo at ilang segundo lang ang nakalipas ay isang putok muli ang kanilang narinig.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at ang pagpapakamatay ni Bernardo. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALFREDO SANTIANA

ARTURO GARCIA

BERNARDO

BRGY

CASTRO SUBD

DAHLIA ST.

DANILO BERNARDO

EDWIN BALASA

MISSION HOSPITAL

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with