Electrician patay sa kuryente
August 23, 2003 | 12:00am
Isang 28-anyos na electrician ang natusta ng buhay makaraang makuryente ito habang nagkakabit ng isang neon sign sa isang bangko, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Leonardo Naguilad, ng Vergel St., Pasay City matapos na magtamo ng 3rd degree burn.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa 19th floor ng Coconut Planters Bank na makikita sa panulukan ng Paseo de Roxas at Makati Ave., Salcedo Village, Makati City.
Nabatid na kasalukuyang nagkakabit ng isang neon sign ang biktima sa nabanggit na bangko nang aksidenteng madikit sa isang live-wire ang hawak nitong bakal na tubo na naging dahilan upang makuryente ito at mangisay hanggang sa mamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended