^

Metro

P5M halaga ng kemikal nasamsam sa isang shabu lab sa QC

-
Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang P5 milyong halaga ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu sa isang shabu laboratory, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nabatid na dakong alas-10 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na pwersa ng Central Police District (CPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang abandonadong bahay sa 27 Buick St., Dahlia Subd., Fairview sa nabanggit na lungsod sa bisa ng search warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 93 Judge Antonio Roselias.

Sa panayam kay PDEA Deputy Chief for Operations P/Supt. Rodolfo Caisip, apat na drum na naglalaman ng mga kemikal na amphetamine at toluene na ginagamit sa paggawa ng nasabing droga ang nasamsam sa nasabing bahay na umano’y inabandona mula pa noong Hunyo na sinasabing pag-aari ni Ret. Gen. Mariano Filart at kasalukuyang inuupahan ng isang Chinese national na si Wilson So. Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspect na namamalakad sa nasabing shabu lab na nagawa namang nakatakas sa nasabing raid. (Ulat nina Joy Cantos/Angie dela Cruz)

BUICK ST.

CENTRAL POLICE DISTRICT

DAHLIA SUBD

DEPUTY CHIEF

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOY CANTOS

JUDGE ANTONIO ROSELIAS

MARIANO FILART

OPERATIONS P

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with