P5 milyon commercial building natupok sa sunog
August 22, 2003 | 12:00am
Tinatayang umaabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy sa isang commercial at residential na gusali buhat sa sumingaw na tangke ng gas, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Umabot sa ika-5 alarma ang naturang sunog na sumiklab sa commercial/residential building sa may #2049 C. San Marcelino St., Malate na pag-aari ng isang Rodolfo Sagun.
Sa ulat ng WPD-Bureau of Fire Protection, naganap ang pagsiklab ng apoy dakong alas-6 ng umaga na nagmula sa isang kuwarto sa unang palapag na inuupahan ng isang Susan Yap, 71.
Nabatid na naghahanda na sa pagluluto si Yap sa puwesto niya na ginawang kantina para sa agahan ng kanyang pamiliya nang makaamoy siya umano ng gas.
Ininspeksiyon naman umano niya ang iba niyang mga tangke at nang makatiyak na sarado lahat ay binuksan na niya ang paglulutuang kalan.
Dito na sumiklab ang apoy sa naturang kantina dahil sa nakasingaw na gas hanggang sa kumalat na sa buong gusali.
Nagawa namang makalabas ng lahat ng naninirahan sa naturang gusali bago tuluyang tupukin ito ng apoy. Nabatid na tuluyang natupok ang ikalawang palapag ng gusali at kalahati ng unang palapag.
Naapula naman ang apoy dakong alas-6:38 ng umaga nang rumesponde ang ibat ibang mga bumbero kabilang na ang Chinese volunteers. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am