P1 taas pasahe sa mga jeep malamang maaprubahan
August 21, 2003 | 12:00am
Ipinahiwatig ng Land Transportation Franchising Board (LTFRB) na malamang makalusot ang pisong taas sa pasahe sa mga pampasaherong jeep na naisnab kamakailan ng naturang ahensiya dahil sa umanoy kakulangan sa merito.
Sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na bunsod ng katatapos na pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel sa bansa maaaring makalusot na ang pisong taas sa pasahe na idinulog ng ibat-ibang transport groups.
Magugunitang una nang ibinasura ng LTFRB ang petisyon ng transport groups subalit sa muling pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel malamang umano na paboran na ng ahensiya ang petisyon.
Gayunman, nilinaw ni Lantin na isasalang muli ito sa pagdinig ng LTFRB board upang hindi naman madehado ang taumbayan sakaling matuloy ang pagtataas ng pamasahe partikular na sa mga pampasaherong jeep. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended