Dakong alas-8:30 ng umaga ng dumating si Yunos na mahigpit na binabantayan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force at Phil. Army sa sala ni RTC branch 54 Judge Lucia Purruganan.
Ayon kay Atty. Aime Santos Arago, nagprisinta lamang ng mga ebidensiya ang prosecution at legal counsel ni Yunos na gagamitin din sa susunod na hearing na itinakda sa darating na Oktubre 14.
Magugunita na noong Hulyo 8, ay nag-plead guilty sa isinagawang arraignment si Yunos sa mga kasong kinasasangkutan nito, samantalang kahapon ay hindi naman nagbigay ng komento ang defense tungkol sa pag-amin nito sa nasabing krimen.
Nahaharap din sa nasabing mga kaso si Indonesian terrorist at Jemaah Islamiyah (JI) leader na si Fathur Roman Al Ghozi. (Ulat ni Gemma Amargo)