Shootout: Holdaper dedo
August 21, 2003 | 12:00am
Isa sa limang pinaghihinalaang mga holdaper ang nabaril hanggang sa mapatay makaraang makipagsagupaan ang mga ito sa mga kagawad ng Taguig Police, kamakalawa ng gabi sa bayang nabanggit.
Nasawi noon din ang suspect na nakilalang si Jayson Bualan, ng Quiapo, Maynila. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay SPO4 William Dam ng PCP 2, ng Taguig Police nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang residente at iniulat ang umanoy kahina-hinalang kilos ng limang kalalakihan na gumagala sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Barangay Maharlika Village sa bayang ito.
Dakong alas-7:30 ng gabi ay agad na rumesponde ang mga pulis at namataan ang inireport na grupo sa lugar.
Hindi pa man nakakalapit ang mga tauhan ng pulisya ay agad na silang sinalubong ng pamamaril ng mga suspect kung kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad.
Ilang minutong umalingawngaw ang putukan hanggang sa mapatay si Bualan, habang nakatakas naman ang mga kasamahan nito.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng magsasagawa ng panghoholdap ang mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended