^

Metro

Dobleng seguridad kay Erap dahil sa 'kill plot'

-
Dobleng seguridad ang ipagkakaloob ng Philippine National Police (PNP) sa dating Pangulong Joseph Estrada para masiguro ang kaligtasan nito.

Ito ang inihayag ni Chief Supt. Prospero Noble, ng Police Security Protection Office, na pangunahing itinalaga para mangalaga sa seguridad ng dating Pangulo.

Ginawa ni Noble ang pahayag bunsod ng nadiskubreng ‘kill-plot’ sa buhay ng dating lider ng bansa base sa pagbubulgar ng RAM sa kainitan na rin ng isinasagawang pagdinig sa naganap na pag-aaklas ng mga junior officers ng AFP.

Bagamat inalis na ang ‘state of rebellion’ sa kasalukuyan ay doble ang seguridad ng mga tauhan ni Noble para sa dating Pangulo na naka-hospital arrest sa Veteran’s Memorial Medical Center sa Quezon City.

Sinabi ni Noble na hindi na makakayanan ng PNP ang panibagong kahihiyan katulad sa naganap na pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino.

Aminado rin si Noble na grabeng kahihiyan na ang inabot ng PNP mula sa pambabatikos ng ibat-ibang sektor bunga ng pagkakatakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi kasama ang dalawang lokal na terorista sa kanilang selda sa Camp Crame noong nakaraang Hulyo 14, ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JOY CANTOS

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE SECURITY PROTECTION OFFICE

PROSPERO NOBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with