Holdaper dedo sa shootout
August 18, 2003 | 12:00am
Isang hindi pa nakikilalang holdaper ang napatay matapos itong makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng tanghali habang mabilis namang nakatakas ang dalawa pang kasamahan nito sa Makati City.
Ang suspect na napatay ay makikilala lamang sa pangalang naka-tattoo sa likod nito na Marlon Cruz. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na sumakay ang tatlong suspect sa Del Carmen Aircon Bus na may plakang PVH-460 dakong alas 12:45 ng tanghali sa Mayapis St. na may biyaheng Baclaran -Cubao.
Pagdating sa Gil Puyat at Ayala Avenue, agad nagdeklara ng holdap ang tatlo. Walang kamalay-malay ang mga suspect na kasakay nila ang tatlong pulis ng Special Operation Group ng Makati City Police.
Tinangka ng isa sa mga suspect na magpaputok subalit agad na inunahan ni PO2 Efren Oco ang napatay na suspect habang nakatakbo naman ang dalawa pa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended