2 patay sa road mishap

Dalawang katao ang namatay habang ang isa naman ay nasa kritikal na kondisyon matapos na masagasaan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Antonia Francisco, 60 ng Lacatan St. Brgy. Batasan samantalang binawian naman ng buhay sa East Avenue Medical Center si Felicidad Ingay, 33 habang nasa kritikal na kondisyon si Katherine Purisima, kamag-anak ni Ingay.

Kusang-loob namang sumuko si Pilar Romagera, 42 ng San Jose del Monte, Bulacan na siyang nagmamaneho ng L-300 Mitsubishi na may plakang USC-989.

Batay sa report ni SP03 Reynaldo Patiag ng CPD-Traffic Enfrocement Unit naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga kung saan galing sa pagsisimba sa St. Peter’s Church ang mga biktima.

Mabilis umano ang pagmamaneho ng suspect at hindi nito agad naipreno ang sasakyan kung kaya’t nahagip ang mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments