^

Metro

Logistic officer ng DND sisiyasatin ng NBI

-
Nakatakdang siyasatin ng National Bureau of Investigation ang ilang opisyal ng Logistic Division ng Department of National Defense na posibleng may kaugnayan sa naganap na bigong rebelyon ng Magdalo Group.

Ayon sa source ng NBI, posibleng nagkaroon ng "connivance" sa pagitan ng ilang opisyal ng DND at mga junior officers na pinangunahan ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes IV.

Nabatid na halos lahat ng baril at bala na nakumpiska mula sa grupong Magdalo ay may tatak na DND.

Posible umano na inilabas ang mga baril at bala sa pamamagitan ng logistics at hindi mga personal na gamit ng mga sundalo.

Hindi rin isinasantabi ng NBI ang posibilidad na may kilala ang pinuno ng Magdalo group sa DND partikular sa nagsu-supply ng armas at mga bala.

Kailangan umanong malinawan kung paano nagkaroon ng iba’t ibang kalibre ng baril at maraming bala ang grupo nang magsagawa ng kudeta sa Oakwood Hotel noong Hulyon 27 sa Makati City. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

HULYON

LOGISTIC DIVISION

MAGDALO

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OAKWOOD HOTEL

SR. GRADE ANTONIO TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with