^

Metro

Ex-DOTC sec., 7 pa kinasuhan ng graft

-
Sinampahan na nang kasong graft si dating Transportation Secretary Pantaleon Alvarez at pitong iba pang dating matataas na opisyal ng DOTC at Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng pagkakaloob ng konsesyon sa PIATCO sa pagtatayo ng Terminal 3 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod kay Alvarez, kinasuhan din sina dating DOTC Secretary Vicente Rivera, Jr.; Undersecretary Primitivo Cal at Wilfredo Trinidad,; dating MIAA Gen. Mgr. Francisco Atayde at Antonio Gana at Asst. Gen. Mgr. Herminia Castillo at Cesar Valbuena.

Ayon kina Aileen Sanchez at Alma Bulawan, kapwa taga Central Luzon at nagsampa ng kaso lubhang nakaapekto sa operasyon ng Diosdado Macapagal International Airport dating Clark International Airport sa Angeles City ang konsesyon na ilang ulit ding pinalitan at pinayagan ng mga akusado.

Nakasaad sa binagong konsesyon na hindi maaaring magdagdag ng pasilidad at makapagserbisyo sa pasaherong hihigit sa 850,000 bawat taon ang DMIA hangga’t hindi naaabot ng NAIA Terminal 3 ang pagseserbisyo sa 10 milyong pasahero kada taon sa loob ng susunod na tatlong taon.

AILEEN SANCHEZ

ALMA BULAWAN

ANGELES CITY

ANTONIO GANA

CENTRAL LUZON

CESAR VALBUENA

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

FRANCISCO ATAYDE

HERMINIA CASTILLO

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with