Ex-Toyota player kritikal sa taga ng kapitbahay
August 17, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang dating player ng Toyota makaraang dalawang ulit na tagain ng kanyang kapitbahay, kahapon ng hapon sa Quezon City.
Kasalukuyang ginagamot at sumasailalim sa CT scan ang biktimang si Oscar Rocha, 55, ng #76 Detroit St., Barangay Pinagkaisahan, Quezon City makaraang magtamo ng taga ng jungle bolo sa ulo at dibdib.
Agad namang nadakip ang suspect na nakilalang si Demetrio Cagampa, 63, ng nasabi ring barangay.
Batay sa pahayag ng misis ng biktima na si Susie, 52, nagulat na lamang sila nang biglang tagain ng suspect na si Cagampa ang kanyang asawa na nooy papauwi na sa kanilang bahay dakong alas-2:30 ng hapon.
Aniya, posibleng ibinunton ni Cagampa sa kanyang asawa ang galit nito sa kanyang misis na pinaghihinalaang may ibang lalaki.
Pinabulaanan din ni Gng. Rocha na drug pusher ang kanyang asawa at ito ay under surveillance sa NBI dahil sa ito ang nagsusupply ng droga sa lugar.
Iginiit pa ni Mrs. Rocha na aktibo ang kanyang asawa sa paghuli sa mga pinaniniwalaang pusher at user sa lugar at kahit kailan ay hindi gumamit ang biktima ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am