Ito ang ibinunyag ng nahuling drug lord na si Jackson Dy na ang tunay na pangalan ay Li Lan Yan, makaraang sumailalim sa interogasyong isinagawa ni Supt. Nelson Yabut, isa sa mga team leader ng Anti-Drugs Special Task Force (AID-SOTF).
Sinabi pa ni Dy na ang kanilang grupo ay may mga koneksyon sa mga malalakas na pulitiko, military, opisyal ng pulis, judge, prosecutors, business sector at mga media men pero hindi umano niya kilala ang mga ito dahil hindi siya ang nakatoka para kausapin ang mga nasabing protektor.
Sinabi rin ni Dy na ang trabaho umano niya ay ang bumili ng mga lupa na nasa mga tabing-dagat na perpekto para tayuan ng shabu laboratories katulad ng ni-raid sa Tanza, Cavite.
Inamin naman ni Yabut na ang kanilang grupo ay nag-umpisa nang mag-imbestiga sa naturang P20 milyon protection exposé ni Dy.
Samantala, sinabi naman ni Deputy Director General Edgardo Aglipay na mayroon na silang mga tao na minamanmanan na maaaring nagbibigay ng proteksyon sa nasabing grupo ng iligal na droga pero sa ngayon ay wala pa silang matibay na ebidensya para maiugnay sila sa naturang transnational group. (Ulat ni Edwin Balasa)