^

Metro

4 sugatan sa pagsabog

-
Apat katao ang nasa malubhang kalagayan makaraang masugatan sanhi ng pagsabog ng pillbox sa loob ng isang videoke bar, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ginagamot sa Gen. Malvar Hospital ang mga biktima na nakilalang sina Luis Reyes, 20; Paul Abella, 47, kapwa residente sa Barangay Holy Spirit; Rodel Bautista, 27, ng Batasan Hills at Hermina Torres, 35.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi sa loob ng Jacob’s Grille Bar and Restaurant sa Barangay Commonwealth ng nabanggit na lungsod.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang bigla na lamang naghagis ng pillbox habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng restaurant.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na gumanti ang ilang kalalakihan sa mga naka-away nilang mga waiter sa restaurant kung kaya’t rumesbak ang mga ito at ang mga biktima ang siyang nadamay. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY COMMONWEALTH

BARANGAY HOLY SPIRIT

BATASAN HILLS

DORIS FRANCHE

GRILLE BAR AND RESTAURANT

HERMINA TORRES

LUIS REYES

MALVAR HOSPITAL

PAUL ABELLA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with