^

Metro

Pisong taas pasahe,igigiit

-
Bagamat naibasura na kamakailan ng LTFRB ang pisong fare increase na ginigiit ng transport groups, muling umapela ang naturang grupo sa tanggapan na aksiyunan na ito dahil na rin sa panibagong pagtataas na presyo ng gasolina.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na umapela sa kanyang tanggapan si Medardo Roda ng PISTON at Efren de Luna ng PCDO-ACTO para aksiyunan na ang kanilang hiling tungkol sa pisong pagtataas sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.

"Dahil sa bagong development na tumaas ang presyo ng gasolina, umapela sila kaya’t muli naming ire-review ang bagay na ito," pahayag pa ni Lantin.

Sinabi pa ni Lantin na hiningan na nila ng reaksyon ang tanggapan ng Solicitor General hinggil sa naturang pagbabago sa halaga ng gasolina at sa hakbangin ng transport groups na maitaas ang pasahe. Inaasahang sasagutin ito ng SolGen sa darating na Lunes.

Ipinahiwatig ni Lantin na baka sa pagkakataong ito ay mapagbigyan ang kahilingan ng transport groups na maitaas na ang pasahe dahil sa naganap na namang oil increase noong nakaraang linggo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BAGAMAT

CHAIRMAN DANTE LANTIN

CRUZ

DAHIL

EFREN

INAASAHANG

LANTIN

MEDARDO RODA

SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with