^

Metro

American national timbog sa pekeng Federal Reserve Bond

-
Isang pulis na American national ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang tangkaing magpuslit ng mga pekeng US Federal Reserve Bond at Notes na tinatayang nagkakahalaga ng multi-bilyong dolyar.

Sa ulat na tinanggap ni Sr. Supt. Andres Caro II, director ng PNP-ASG mula kay Supt. Efren C. Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS), ang mga huwad na Federal Reserve Notes na nakapaloob sa selyadong bakal na kahon ay nakumpiska buhat kay Aviel Oded, may hawak ng passport no. 037951797.

Ayon kay Labiang, dakong alas-4:05 ng hapon noong Miyerkules nang dakpin si Oded sa West Initial check-in ng NAIA Terminal 1. Nakatakdang sumakay sa Lufthansa Airlines flight No. LH 744 patungong Zurich, Switzerland.

Ang dalawang selyadong kahon na bakal ay nakapaloob sa check-in luggage ng pasahero nang mapuna ito sa x-ray machine. Naghinala ang mga awtoridad na naglalaman ng kontrabando ang bagahe ni Oded kaya’t kaagad na pinabuksan ang bagahe nito.

Sa isinagawang manual inspection, bumungad ang dalawang kahon na may nakaukit na "American Dream Inc." (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ANDRES CARO

AVIATION SECURITY

AVIEL ODED

BUTCH QUEJADA

DREAM INC

EFREN C

FEDERAL RESERVE BOND

FEDERAL RESERVE NOTES

LABIANG

LUFTHANSA AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with