^

Metro

Lolang abortionist, alalay arestado ng NBI

-
Huli sa akto ng mga tauhan ng NBI ang isang lolang abortionist at alalay nito habang nagsasagawa ng operasyon sa paglalaglag ng sanggol sa isang pasyente sa Caloocan City.

Iprinisinta kahapon sa NBI ang dinakip na suspect na sina Helena Garcia, alyas Mommy, 75, at alalay nitong si Jennifer Jose, alyas Cherry, 35, kapwa residente ng 15 T. Jacinto St., 12th Avenue, Barangay 90, Zone 8 East Gracepark ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, nasakote ang dalawa kamakalawa ng gabi sa kanilang klinika sa loob mismo ng kanilang bahay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Caloocan Regional Trial Court Branch 124.

Dito nila naaktuhan ang dalawa na abala sa ginagawang operasyon sa isang buntis na pasyente para tanggalin ang sanggol sa sinapupunan nito.

Bago ang naturang pagsalakay, nakatanggap ng reklamo ang NBI ukol sa ilegal na operasyon ng mga suspect kung saan ilan sa mga naging pasyente umano nito ay nasawi matapos ang isinagawang pagpapalaglag.

Isang babaeng NBI agent ang nagpanggap na pasyente na pumasok sa bahay ng mga suspect nagtanong ukol sa pagpapalaglag. Habang nasa loob agad na nagbigay ng tip sa kanyang mga kasamahan ang babaeng agent na may isang babae na nakatakdang operahan ni Garcia.

Narekober pa ng mga awtoridad ang isang fetus buhat sa katatapos na operasyon, mga kagamitan sa abortion.

Napag-alaman na sampung taon na umanong sangkot sa ganitong gawain ang suspect.

Naniningil ito ng P7,000 bawat operasyon sa kanyang kliyente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DANILO GARCIA

DITO

EAST GRACEPARK

HELENA GARCIA

JACINTO ST.

JENNIFER JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with