Binata patay sa rabies ng alagang pusa
August 15, 2003 | 12:00am
Isang binata ang namatay sanhi ng kumalat na rabies sa katawan makaraang kagatin ito ng kanyang alagang pusa, kahapon ng umaga sa lungsod ng Marikina.
Hindi na nagawang isugod sa pagamutan si Jeric Estanislao, 19, estudyante at residente ng #79 Dau St., Barangay Marikina Heights sa nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, nasawi si Estanislao, dakong alas-8 ng umaga sa kanilang bahay habang nag-aalmusal ang una kasama ang kanyang mga magulang nang bigla umanong bumula ang bibig nito at nagkikisay.
Nauna dito, nabatid na nakikipaglaro ang nasawi sa kanyang alagang pusa kamakalawa ng gabi ng bigla itong kagatin sa kanang braso ng nasabing pusa.
Hindi masyadong binigyang pansin ng biktima ang kagat sa kanya ng pusa at hinugasan lamang ng sabong panlaba ang brasong nakagat.
Kinaumagahan habang nag-aalmusal ang mag-anak ay napagkasunduan ng pamilya na pumunta sa San Lazaro Hospital upang magpaturok ng anti-rabies ngunit hindi na nila ito nagawa dahil biglang tumirik ang mata at nagkikisay habang bumubula ang bibig ng biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am