^

Metro

Ebdane pagpapaliwanagin sa nakatakas na drug lord

-
Hihingin ng House Oversight Committee on Dangerous Drugs ang paliwanag ni Philippine National Police Chief Gen. Hermogenes Ebdane sa nakatakas na drug lord sa Camp Crame noong Hulyo 27 kung kailan nagkaroon ng tangkang kudeta.

Sinabi ni Cebu City Rep. Antonio Cuenco, chairman ng komite na pahaharapin din nila si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Gen. Anselmo Avenido at mga sinibak na bantay sa nakatakas na si Ernesto Lubarbio.

Naniniwala ang mambabatas na may perang sangkot sa pagkakatakas ni Lubarbio dahil sa naging madali ang pagkakatakas nito.

Dapat aniyang linawin ni Ebdane kung paanong nakatakas si Lubarbio gayong naka-red alert ang pulisya.

Lumitaw sa pang-unang imbestigasyon na ipinosas lamang si Lubarbio ng mga bantay nito mula sa Task Force Magellan, dating tanggapan ng PNP-Narcotics Group sa Camp Crame sa folding bed na hinihigaan nito sa loob ng naturang opisina.

Ang suspect ay nahulihan ng 3 kilo ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operations sa Molino, Bacoor, Cavite noong nakalipas na Hulyo 26 subalit nakapuga rin ng sumunod na araw. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANSELMO AVENIDO

ANTONIO CUENCO

CAMP CRAME

CEBU CITY REP

CHIEF GEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ERNESTO LUBARBIO

HERMOGENES EBDANE

HOUSE OVERSIGHT COMMITTEE

HULYO

LUBARBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with