Sanggol nalunod sa isang balde ng tubig

Isang 8-buwang sanggol ang nalunod sa balde ng tubig makaraang mapabayaan ng kanyang kapatid, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Miguel Clinic ang biktimang si Teldya Tonedo, ng #174 Quirino Highway, Barangay Baesa ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodrigo Barrameda ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa loob mismo ng tahanan ng biktima.

Pansamantalang naiwan ang biktima ng kanyang nakatatandang kapatid na si Wally dahil sa may kukunin lamang ito.

Subalit nang bumalik ito, nakita na lamang niyang hindi na gumagalaw ang biktima at nakalubog na ito sa balde ng tubig.

Ayon sa pulisya, posibleng gumapang ang sanggol patungo sa balde hanggang sa mahulog at nalunod. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments