Sa panayam, sinabi ni Medardo Roda, Pangulo ng PISTON hindi makatuwiran ang hakbang na ito ng mga higanteng kompanya ng langis na Petron, Caltex at Shell na sinabayan pa ng mga small players na nagpapakita lamang na isa na namang estilo ng pagpapahirap sa maliliit na manggagawa.
"Hindi pa nga nila naibibigay ang kahilingan naming oil price rollback na P2.40 kada litro dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo noong 2002, sa halip na rollback muli na namang pagtataas," pahayag pa ni Roda.
Hinikayat ng PISTON ang pamahalaan na ibigay na lamang ang kanilang kahilingang pisong taas sa P4.00 minimum fare sa mga pampasaherong jeep kung hindi nila aaksiyunan ang usapin ng rollback. (Ulat ni Angie dela Cruz)