^

Metro

Tigil biyahe banta ng PISTON

-
Muling pararalisahin ng malalaking grupo ng transportasyon ang kanilang mga biyahe anumang araw mula ngayon upang ipakita sa pamahalaan ang kanilang sentimiento hinggil sa naging pagtaas na namang ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam, sinabi ni Medardo Roda, Pangulo ng PISTON hindi makatuwiran ang hakbang na ito ng mga higanteng kompanya ng langis na Petron, Caltex at Shell na sinabayan pa ng mga small players na nagpapakita lamang na isa na namang estilo ng pagpapahirap sa maliliit na manggagawa.

"Hindi pa nga nila naibibigay ang kahilingan naming oil price rollback na P2.40 kada litro dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo noong 2002, sa halip na rollback muli na namang pagtataas," pahayag pa ni Roda.

Hinikayat ng PISTON ang pamahalaan na ibigay na lamang ang kanilang kahilingang pisong taas sa P4.00 minimum fare sa mga pampasaherong jeep kung hindi nila aaksiyunan ang usapin ng rollback. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CALTEX

CRUZ

HINIKAYAT

MEDARDO RODA

PANGULO

PETRON

RODA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with