^

Metro

9-anyos na batang lalaki nagbigti?

-
Palaisipan ngayon sa pulisya ang pagkamatay ng isang 9-anyos na batang lalaki makaraang matagpuan itong nakabigti sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kahapon ng umaga tuluyan nang binawian ng buhay sa Manila Central Univerity ang biktimang si Jerome Denilca, matapos itong ma-confine makaraang matuklasan ang pagbibigti nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ng kanyang pinsang si Archie ang biktima habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Gana Compound, Balintawak, Quezon City. Isang leather na sinturon nakitang nakapulupot sa leeg nito.

Agad na isinugod ang paslit sa pagamutan subalit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Hindi naman makuhanan ng pahayag ang mga magulang nito kaugnay sa sinasabing pagpapatiwakal ng paslit.

Gayunman, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may naganap na ‘foul play’ sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BALINTAWAK

DORIS FRANCHE

GANA COMPOUND

GAYUNMAN

ISANG

JEROME DENILCA

KAHAPON

MANILA CENTRAL UNIVERITY

PALAISIPAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with