Maghahatid sa kaanak na sinaksak, minalas; Sinasakyang ambulansya bumangga
August 12, 2003 | 12:00am
Doble kamalasan ang inabot ng isang binatilyong biktima ng pananaksak makaraang banggain ang sinasakyan niyang ambulansiya na magdadala sa kanya sa ospital at maging ang kanyang pamilya ay malubhang nasugatan, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Sa halip na si Alexander Buenaventura, 16, lamang ang dadalhin sa pagamutan dahil sa tinamong malalim na saksak sa tiyan ay kasama na rin ngayong nilalapatan ng lunas ang mga kapatid na sina Ruben, 23; Armando, 31; Eduardo, 25; at inang si Carmelita, 57, at Hilario Serrano, barangay tanod.
Kasama ring nasaktan at nilalapatan din ng lunas sa East Avenue Medical Center ang pasahero ng bumanggang taxi na si Alfredo Eyalde, 33.
Batay sa ulat, dakong alas-2 ng madaling-araw nang isugod ng ambulansiya na minamaneho ni Mario Sanchez ang biktimang si Alexander kasama ang kanyang pamilya makaraang umuwi itong nasaksak sa katawan.
Sa sobrang pagmamadali ng ambulansiya ay nasalubong nito ang taxi na may plakang TWL-151 na minamaneho ni Nicmedes Deco, 33, na hindi na nagawa pang makaiwas kaya’t tuluy-tuloy na sumalpok at bumaligtad ang ambulansiya sa may kanto ng Quezon Avenue at Agham Rd.
Sa kasalukuyan ay parehong isinasailalim sa imbestigasyon ng CPD Traffic Sector 1 ang dalawang driver ng nabanggit na sasakyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended