^

Metro

Tsinoy nakipagkarera kay Kamatayan

-
Nagresulta sa kanyang kamatayan ang ginawang pakikipagkarera ng isang Fil-Chinese matapos na mabangga at makaladkad ang kanyang sasakyan ng isang 40-foot trailer truck, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Medical City of Manila ang biktimang nakilalang si Vernon Tan, 27, ng #40 Damantes St., Damar Village, Quezon City. Kritikal naman ang kanyang kasamahan na si Arnold Santos, 30, ng Meralco Village, Marilao, Bulacan.

Arestado ng pulisya ang driver ng trailer truck na si Arthur Dajay, 37, ng Area D. Parola Compound, Tondo, Manila.

Sa ulat ng WPD-Traffic Management Section, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa kahabaan ng UN Avenue, Malate. Nabatid na nakipagkarera si Tan na sakay ng kanyang Pajero sa isa ring Pajero subalit naunahan siya.

Pasalubong naman ang naturang trailer truck sa kabilang kalsada na hindi na nagawang maiwasan ni Tan dahil sa bilis ng pagpapatakbo sanhi upang mabangga at makaladkad ito.

Agad namang sumuko si Dajay sa mga awtoridad matapos ang naganap na trahedya. (Ulat ni Danilo Garcia)

AREA D

ARNOLD SANTOS

ARTHUR DAJAY

DAMANTES ST.

DAMAR VILLAGE

DANILO GARCIA

MEDICAL CITY OF MANILA

MERALCO VILLAGE

PAROLA COMPOUND

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with