Onsehan sa droga,mag-utol niratrat
August 9, 2003 | 12:00am
Isa ang namatay, samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng umanoy inonse nila sa droga kahapon ng umaga sa Quezon City.
Hindi na umabot pang buhay sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Reynante Victorino, 32, samantalang malubha ding nasugatan ang kapatid niyang si Roberto, 24, kapwa residente ng Sitio Mabilog, Tandang Sora ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang nakatakas ang suspect na nakilalang si Arnold Fausto lulan ng isang tricycle.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga habang ang magkapatid ay nagkakape.
Dumating ang suspect sakay ng tricycle at agad na pinaulanan ng putok ng baril ang dalawang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng pamamaril sa dalawa dahil sa kilala umanong tulak ng droga sa lugar ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended