30 luxury cars nasabat ng BOC
August 6, 2003 | 12:00am
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) Special Strike Force ang may 30 luxury cars na nakalagay sa dalawang container van kahapon sa Port of Manila.
Sakay ng mga rubber boat ang grupo ng special task force at inantabayanan nila mula sa brick water hanggang sa dumaong sa Port of Manila ang dalawang barko na kinalululanan ng nasabing kontrabando na sinasabing nanggaling sa bansang Hawaii at Hong Kong.
Upang matiyak ang natanggap na intelligence report na may sakay na kontrabando ang mga barko, ginamitan nila ito ng scanning machine kaya nakumpirmang naglalaman ito ng mga luxury cars.
Kabilang sa mga nasabat na sasakyan ay ang Lexus, Firebird, Camarro, Camry, Wrangler, Windom, Honda Accord, Nissan Bluebird at ibat iba pang mamahaling sportscar.
Ang mga nabanggit na sasakyan ay nagkakahalaga ng milyun-milyong piso at nakatakdang i-tranship sa Subic subalit napigilan na ng nasabing grupo. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest