^

Metro

Fil-foreign players sa PBA,ipapa-deport

-
Nanganganib na ma-deport ang ilang mga dayuhang manlalaro na nagpanggap na Filipino para lamang makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA), kapag inilabas na ng senado ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon ukol dito.

Bagamat tumanggi pa si Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusement and sports na banggitin ang resulta ng imbestigasyon maging ang kanilang mga recommendation sinabi nitong pirma na lamang ng ilang senador ang hinihintay para pormal nang mailabas ang resulta ng pagsisiyasat.

Posible umanong bukas ay mailabas na ang buod nito.

Gayunman, sinabi ng source na deportation umano ang inirekomenda ng komite laban sa ilang players na hindi pa rin pinangalanan.

Matatandaan na personal pang inimbestigahan ng mga staff ng komite ang birthplace ng mga Fil-foreign players sa PBA para maberipika lamang kung sadyang may kamag-anak sila dito.

Lahat ng mga kuwestiyonableng players na kanilang inimbestigahan ay napatunayang walang kamag-anak maging sa mga lalawigan na sinasabi nilang kanilang pinagmulan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BAGAMAT

GAYUNMAN

LAHAT

MATATANDAAN

NANGANGANIB

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

POSIBLE

ROBERT BARBERS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with