Sekyu ginilitan sa hinalang oonsehin ang mga kasabwat
August 5, 2003 | 12:00am
Sa hinalang ma-onse sa partehan sa perang kanilang kinulimbat pinagtulungang patayin ng dalawang lalaki ang kanilang kasabwat na sekyu sa kanilang pinapasukang kompanya, kahapon ng madaling-araw sa EDSA, Balintawak, Quezon City.
Patay na ng makita ng iba pa nilang kasamahan sa trabaho ang biktimang si Melencio Palacio ng St. James Security Agency. Nilaslas ang leeg nito, bukod pa sa binasag ang bungo nito.
Nadakip naman ang isa sa mga suspect na nakilalang si Danilo Sulayao, 35, stay-in sa Floor Ceramics and Granite Tiles, habang nakatakas ang isa pa na nakilalang si Mando Saludar, 38, na tumangay pa ng may P50,000 halaga ng kanilang ninakaw.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.
Ayon sa nadakip na suspect, isinagawa nilang tatlo ang panloloob sa naturang kompanya, subalit nangamba silang dalawa ni Saludar na baka hindi sila partehan ng kakutsaba nilang guwardiya dahil sa armado ito ng baril kung kayat pinagplanuhan nila na patayin ito.
Gamit ang malaking tiles, pinukpok nila sa ulo ang guwardiya at saka nilaslas nila ang leeg saka nila kinuha ang nabanggit na halaga.
Papatakas na ang dalawa nang mamataan ng mga nagpapatrulyang tanod ang mga ito na naging dahilan sa pagkadakip kay Sulayao, habang nakatakas naman si Saludar. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended