Trader at driver patay sa ambush
August 5, 2003 | 12:00am
Isang negosyante kasama ang driver nito ang nasawi makaraang tambangan ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril, kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasig.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang mga biktimang nakilalang sina Alberto Roldan, 58, may-ari ng isang grocery at ang driver nito na si Alexander Amoniana, 35, kapwa residente ng Lower Bicutan, Taguig Metro Manila.
Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanilang ulo at ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa tapat ng King Arthur Hotel sa kahabaan ng Buenaventura St., Bagong Ilog, Pasig City.
Napag-alaman na lulan ang mga biktima sa isang Mitsubishi Lancer L-200 Estrada na may plakang WNL-534 nang biglang sumulpot ang mga suspect na pawang armado ng baril at pinaulanan ng bala ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril ay binuksan ng isa sa mga suspect ang naturang kotse at kinuha ang clutch bag na puno ng pera na hawak ni Roldan at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.
Nabatid pa sa ulat na papunta sa bangko ang mga biktima para magdeposito ng pera bago ang naganap na pananambang.
Samantala, narekober ng pulisya sa loob ng sasakyan ng mga biktima ang isa pang bag na puno ng pera na nagkakahalaga ng may dalawang milyon habang yakap ng nasawing negosyante.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation para sa pagkakadakip sa mga suspect.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am