^

Metro

Kudeta pakana ng ambisyosong pulitiko - Reyes

-
Tahasang sinabi ni Defense Secretary Angelo Reyes na ang nabigong kudeta noong nakaraang Linggo ay pakana ng ilang taong nais agawin ang poder ng kapangyarihan sa kasalukuyang rehimen.

Bagama’t tumanggi si Reyes na ibunyag ang pangalan ng nasa likod ng nabigong pag-aaklas, sinabi nito na unti-unti ring lalabas ng kusa ang mga ito habang umuusad ang imbestigasyon ukol sa insidente.

Tiwala din si Reyes na malilinis ang kanyang pangalan mula sa mga malisyoso at kakatwang mga paratang na pilit na inuugnay sa kanya ng mga mutineers.

Aniya, ginagamit siya at ang Magdalo group ng ilang ambisyosong pulitiko upang ibagsak ang pamahalaan para sa kanilang mga pansariling interes.

Si Reyes kasama sina DILG Secretary Joey Lina at PNP Chief Hermogenes Ebdane ay sentro ng imbestigasyon na binuo ni Pangulong Arroyo batay na rin sa rekomendasyon ng kalihim upang maiwasan ang anumang whitewash ng kaso.

Patuloy din ang pagsisiyasat ng Senado upang matukoy kung ano ang dahilan at kung sino ang nasa likod ng bigong kudeta ng mga junior officer. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

BAGAMA

CHIEF HERMOGENES EBDANE

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DORIS FRANCHE

LINGGO

PANGULONG ARROYO

REYES

SECRETARY JOEY LINA

SI REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with