Karera ng motorsiklo: 1 patay, 3 sugatan
August 4, 2003 | 12:00am
Naging madugo ang karera ng motorsiklo sa lungsod ng Marikina, makaraang isang lalaki ang namaril na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng tatlong iba pa kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Rommel Bermeo, 26, organizer ng palaro matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo samantalang sugatan naman sina Eduardo Go, 24; Rio Alloso, 36 at Joselito Sevilla pawang mga nanonood nang tamaan ng ligaw na bala. Ang mga ito ay dinala sa Amang Rodriguez Medical Center.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 7:35 ng gabi sa kahabaan ng Gil Fernando Ave. Ext. sa Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod habang ginaganap ang karera ng motorsiklo.
Nasa tent ang biktimang si Bermeo nang bigla itong lapitan sa likuran ng hindi pa nakikilalang suspect at barilin ng apat na ulit sa ulo na ikinadamay naman nina Go, Alloso at Sevilla.
Nang makitang bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang kulay berdeng motosiklo.
Napag-alaman na bago magsimula ang insidente, may naka-away ang biktima subalit agad ding naawat kung kayat tinitignan ng pulisya ang posibilidad na paghihiganti ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended