Bigong pagpuga: 1 patay,2 sugatan
August 2, 2003 | 12:00am
Isang preso ang nasawi, samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan kabilang ang isang jailguard sa bigong pagpuga na naganap kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Pasig.
Nakilala ang nasawing bilanggo na si Arnold Cajan, 33, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan, habang ginagamot naman sa Rizal Medical Center ang isa pang preso na si Angelito Bautista at SJO1 Fernan Sunga na nagtamo naman ng saksak sa kaliwang balikat.
Sa ulat ng pulisya naganap ang tangkang pagtakas ng mga bilanggo dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa Pasig City Jail na nasa Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na nagpaalam si Cajan kay JO1 Joseph Ordona na magtatapon ng basura kung kaya binuksan ng pulis ang selda 9 kung saan nakakulong ang mga suspect.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay bigla na lamang itinulak ni Cajan si Ordona na tumama ang ulo sa pader at nahilo.
Matapos makalabas ni Cajan ay sumunod na si Bautista na kapwa armado ng icepick.
Narinig naman ni SJO1 Sunga ang ingay kung kaya mabilis niya itong tiningnan at nakita ang papatakas na preso.
Nag-agawan sa baril si Sunga at Cajan, hanggang sa masaksak ang una sa balikat subalit sa kabila nito ay nakuha pa rin niyang magpaputok ng baril hanggang sa tamaan ang presong si Cajan na dahilan ng kamatayan nito.
Susugod pa ang presong si Bautista subalit binaril naman siya ni Ordona. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended