^

Metro

Lalaki nangholdap, nang-hostage sa mall

-
Binalot na naman ng tensyon ang Ayala Center kahapon ng umaga matapos makapasok sa loob ng Glorietta ang isang holdaper at tutukan ng baril ang isang lalaki na may dalang apat na milyong piso at pagkatapos ay hinostage ang isang estudyante, kahapon ng umaga sa Makati City.

Naganap ang insidente dakong alas-11:25 kahapon ng umaga sa Glorietta Mall sa Ayala Center ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat nabatid na nakapasok ang suspect na si Aries Patolot, 29, sa naturang mall na hindi na-body search ng mga guwardiya.

Agad umanong tinutukan ni Patolot ang biktima na si Teoderico Sabenorio, 20, counter checker na may dalang apat na milyong piso na nakatakdang ideposito sa bangko.

Kinaladkad umano ng suspect si Sabenorio sa comfort room at doon kinuha ang dala nitong pera.

Patakas na ang suspect nang biglang sumigaw ang biktima kung kaya nakatawag ito ng pansin sa mga tao sa mall.

Dahil sa nagkaroon na ng komosyon nataranta na rin ang suspect kung kaya hinostage nito ang estudyanteng si Karen Pangilinan, 18, na isinama niya palabas sa mall.

Pinara ng suspect ang isang taxi at doon na siya nasukol ng mga awtoridad.

Narekober ang P4 milyong kinulimbat nito sa unang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARIES PATOLOT

AYALA CENTER

AYON

BINALOT

DAHIL

GLORIETTA MALL

KAREN PANGILINAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

TEODERICO SABENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with