Kelot sinilaban ang sarili
August 1, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki na may diperensya sa utak makaraang sunugin nito ang sarili sa pamamagitan ng pagpapasingaw ng tangke ng liquified petroleum gas (LPG) at sindihan ng posporo ang kanyang damit na naging sanhi ng pagkasunog ng kanilang bahay sa lungsod ng Marikina.
Nagtamo ng 3rd degree burn at kasalukuyang nasa malubhang kondisyon ang biktimang nakilalang si Christopher Basco, 25, ng Lot 18 Blk. 6 Soliven St., Greenheights Subd., Concepcion Uno ng lungsod na ito.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, naganap ang insidente dakong alas-8:23 ng umaga habang naiwang nag-iisa sa kusina ng naturang bahay ang biktima nang buksan nito ang tangke ng LPG.
Habang sumisingaw ang tangke ay tumapat umano ang biktima sa kalan at sinindihan ang suot na damit.
Agad na nagliyab ang biktima at mabilis na nagtatakbo palabas ng bahay.
Lumaki ang apoy hanggang sa masunog ang kanilang bahay subalit agad na naagapan ng mga bumbero na nagtagal lang ng 7 minuto.
Agad namang dinala sa naturang pagamutan ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended