Driver patay sa bigong kidnap
August 1, 2003 | 12:00am
Nasawi ang isang 40-anyos na driver makaraang itaya nito ang buhay sa pagtatanggol sa 16-anyos na Filipino-Chinese na amo laban sa anim na kidnapper na nagtangkang dumukot dito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib at kamay ang biktimang si Angelito Maramag, stay-in driver ng Nation Candy Factory na matatagpuan sa #16-A Industrial St., Brgy. Karuhatan sa nasabing lungsod.
Nasa mabuting kalagayan naman ang puntirya ng mga kidnaper na si Christine Gabriel Go, estudyante ng University of Santo Tomas (UST) at anak ng may-ari ng nabanggit na pabrika.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng Valenzuela police laban sa anim na hindi pa nakikilalang kidnapper na mabilis na nagsitakas sakay ng isang Besta van na walang plaka matapos ang insidente.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Industrial St., Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.
Binabagtas umano ng biktima at ni Go ang nasabing lugar sakay ng isang Space Gear van na may plakang WAS-845 nang bigla na lamang silang harangin ng mga suspect na armado ng kalibre .45 baril.
Tinutukan ang mga biktima ng baril at pilit na pinababa sa sasakyan subalit hindi naman nasiraan ng loob si Maramag at nagawa nitong patakbuhin ang sasakyang minamaneho.
Dahil dito, napilitang magpaputok ang mga suspect na nagresulta sa pagkasugat ni Maramag habang si Go ay nagawa namang makatakbo at makahingi ng tulong sa mga residente at guwardiya sa nabanggit na lugar dahilan upang magsitakas na lamang ang mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am