^

Metro

Inarestong ex-Usec ni Erap inatake sa puso

-
Matapos dumanas ng matinding tensyon, inatake sa puso kahapon ang dating Asst. Executive Secretary ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada habang nakadetine sa detention cell ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Camp Crame.

Si Ramon Cardenas dating Deputy Executive Officer ng Presidential Management Staff ni Estrada ay isinugod sa PNP Hospital matapos itong dumaing ng sore throat at paninikip ng paghinga.

Ayon kay P/Supt. Georgia Regalado, head ng Philippine National Police (PNP) Hospital, dakong alas-5 ng umaga nang dalhin sa kanilang pagamutan si Cardenas.

Si Cardenas na matagal nang may sakit sa puso ay kasalukuyan pang inoobserbahan sa intensive care unit ng nasabing pagamutan.

Sinabi ng mga doktor na nagpa-fluctuate ang blood pressure ni Cardenas simula pa kamakalawa ng gabi na nairekord sa 180/140 habang nasa 130/80 naman ito nang isugod at suriin ng mga doktor kahapon ng umaga.

Kahapon ay napilitan na ang mga operatiba ng PACER na dalhin sa ospital si Cardenas dahil sa sobrang pamumutla at paninikip ng paghinga.

Nabatid sa medical records ni Cardenas na nitong nakalipas na Setyembre ng nakaraang taon ay sumailalim na ito sa andiogram sa Heart Center bunga ng karamdaman nito sa puso.

Si Cardenas na kararating lamang sa bansa galing sa Estados Unidos ay inaresto nitong nakalipas na Lunes ng gabi sa isinagawang operasyon sa Dasmariñas Village, Makati City.

Nasamsam naman sa isinagawang raid sa isa pang tahanan nito ang mga paraphernalia na ginamit ng Magdalo group na responsable sa Makati City seige sa bigong pagtatangkang maglunsad ng kudeta laban sa administrasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

CARDENAS

DEPUTY EXECUTIVE OFFICER

ESTADOS UNIDOS

EXECUTIVE SECRETARY

GEORGIA REGALADO

HEART CENTER

JOY CANTOS

MAKATI CITY

PANGULONG JOSEPH

SI CARDENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with