Vigilante sa QC sumalakay uli: 1 pa tinumba
July 31, 2003 | 12:00am
Muling sumalakay ang vigilante group sa Quezon City ng matagpuan na naman ang isang lalaki na pinaniniwalaang tulak ng droga na tinadtad ng bala ng baril at saka tinalian sa leeg, kahapon ng umaga.
Batay sa ulat ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-40, may taas na 57 talampakan, payat ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot lamang ng puting brief at may puting bimpo.
Ang biktima ay may tama ng bala ng baril sa ulo at saka tinalian ng nylon cord ang leeg.
Ayon kay SPO1 Salvador Buenviaje, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng umaga sa ilalim ng puno ng balite ni Pablito Solitana, isang BSDO sa panulukan ng Samat St. at Sto. Domingo St. sa Barangay Sto. Domingo ng nabanggit na lungsod.
Bago ito nakarinig ang mga residente ng mga putok ng baril dakong alas-2 ng madaling araw subalit hindi naman nila ito pinansin hanggang sa kinabukasan ay nakita ang bangkay ng biktima.
Katabi nito ang isang karatula na nakasaad ang ganito: "Wag ninyo akong tularan, kayo na susunod". Ilang shabu din na nakalagay sa sachet ang nakitang nakapatong sa noo nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended