3 bank robbers timbog: Nabuko dahil maluho
July 31, 2003 | 12:00am
Tatlong suspect na sangkot sa panloloob sa isang bangko sa Quezon City ang nasakote ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) nang paghinalaan ng kanilang mga kapitbahay dahil sa kanilang luho.
Iprinisinta kahapon ang mga suspect na nakilalang sina Reynaldo Antonio, 40; Gerry Antonio, 39 at Danilo Francisco, 40, pawang mga residente ng Rafael Cruz Compound, Santolan, Pasig City.
Sa ulat, pinasok ng mga holdaper ang Union Bank sa may E. Rodriguez Avenue sa Quezon City noong nakaraang Hulyo 17.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng mga awtoridad hanggang sa magsumbong ang mga kapitbahay ng magkapatid na Antonio sa maluho nilang pamumuhay kung saan bumili ang mga ito ng mga bagong kasangkapan sa kabila na wala namang trabaho ang mga ito.
Noong Hulyo 25, nagtungo ang mga ahente ng NBI kung saan kinausap nito ang magkapatid. Nang isailalim sa interogasyon ukol sa magarbo nilang buhay at posesyon ng bundle ng pera umamin ang dalawa na sangkot sila sa panghoholdap sa bangko kasabay nang paghiling na bigyan sila ng proteksyon kapalit ng kanilang koordinasyon.
Itinuro naman ng dalawa ang kanilang mga kasamahan na sina Miguel Abrasada, Vic, Josing, David at isang Boy. Tinukoy rin nila si Danilo Francisco ang supplier ng kanilang armas.
Sa isinagawang follow-up operation nadakip si Francisco. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest