Ang pagpupulong na pinangunahan ni Metro Manila Mayor League President Lito Atienza Jr. na dinaluhan naman ng ibat ibang alkalde sa Metro Manila ay sinuportahan naman ng may 15 lider at kinatawan ng transport group.
Ang single ticketing system ay ang bahagi ng uniform traffic code na plano para sa buong Metro Manila ay proyekto ng MMDA.
Kabilang sa probisyon ng plano ay ang pare-parehong parusa o multa sa mga lalabag sa batas trapiko kung kayat inaasahan din itong magiging batayan ng pagpapatibay ng traffic ordinances na aaprubahan ng Metro Manila local government units.
Ihaharap din ito upang pagtibayin sa Metro Manila council na binubuo ng mga alkalde at ng mga kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno na tulad ng DOTC at DPWH. (Ulat ni Gemma Amargo)