^

Metro

Single ticketing system, ok na sa MM mayors

-
Napagkasunduan na kahapon ng mga Metro Manila Mayors at mga lider ng transport group ang implementasyon ng single ticketing system na proyekto ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang pagpupulong na pinangunahan ni Metro Manila Mayor League President Lito Atienza Jr. na dinaluhan naman ng iba’t ibang alkalde sa Metro Manila ay sinuportahan naman ng may 15 lider at kinatawan ng transport group.

Ang single ticketing system ay ang bahagi ng uniform traffic code na plano para sa buong Metro Manila ay proyekto ng MMDA.

Kabilang sa probisyon ng plano ay ang pare-parehong parusa o multa sa mga lalabag sa batas trapiko kung kaya’t inaasahan din itong magiging batayan ng pagpapatibay ng traffic ordinances na aaprubahan ng Metro Manila local government units.

Ihaharap din ito upang pagtibayin sa Metro Manila council na binubuo ng mga alkalde at ng mga kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno na tulad ng DOTC at DPWH. (Ulat ni Gemma Amargo)

GEMMA AMARGO

IHAHARAP

KABILANG

MANILA

METRO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA MAYOR LEAGUE PRESIDENT LITO ATIENZA JR.

METRO MANILA MAYORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with