Ang mga hinatulan ay nakilalang sina Estrelita Dazo at Ma. Trinidad Enriquez.
Base sa desisyong ipinalabas ni Judge Reynaldo Alhambra ng MRTC Branch 53 napatunayan na ang dalawa ay guilty sa pagkidnap sa anak ng mag-asawang sina Mario at Zenaida Ignacio na si Mariz.
Base sa rekord ng korte naganap ang pagdukot noong Disyembre 21, 1996 nang makitulog sa kanila ang akusadong si Dazo.
Kinabukasan umano ay wala na si Dazo maging ang kanilang anak na si Mariz, subalit makalipas ang ilang araw ay naaresto ito.
Itinuro nito sa Iba, Zambales ang bata na doon ay pinaalagaan umano niya ang bata kay Enriquez.
Hindi pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ni Dazo na napulot lamang niya ang bata at nang walang umangkin ay pinaalagaan umano niya kay Enriquez. (Ulat ni Gemma Amargo)