^

Metro

Habambuhay sa 2 misis na kidnaper

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Manila Regional Trial Court laban sa dalawang ginang matapos na mapatunayang kinidnap ng mga ito ang isang taong gulang na batang babae pitong taon na ang nakakaraan sa Maynila.

Ang mga hinatulan ay nakilalang sina Estrelita Dazo at Ma. Trinidad Enriquez.

Base sa desisyong ipinalabas ni Judge Reynaldo Alhambra ng MRTC Branch 53 napatunayan na ang dalawa ay guilty sa pagkidnap sa anak ng mag-asawang sina Mario at Zenaida Ignacio na si Mariz.

Base sa rekord ng korte naganap ang pagdukot noong Disyembre 21, 1996 nang makitulog sa kanila ang akusadong si Dazo.

Kinabukasan umano ay wala na si Dazo maging ang kanilang anak na si Mariz, subalit makalipas ang ilang araw ay naaresto ito.

Itinuro nito sa Iba, Zambales ang bata na doon ay pinaalagaan umano niya ang bata kay Enriquez.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ni Dazo na napulot lamang niya ang bata at nang walang umangkin ay pinaalagaan umano niya kay Enriquez. (Ulat ni Gemma Amargo)

DAZO

DISYEMBRE

ENRIQUEZ

ESTRELITA DAZO

GEMMA AMARGO

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARIZ

TRINIDAD ENRIQUEZ

ZENAIDA IGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with