Holdaper ng trader natagpuang patay
July 30, 2003 | 12:00am
Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng motorcycle gang na responsable sa panghoholdap at pagpaslang sa isang trader sa Quezon City kung saan hinihinalang iniwan ang una ng kanyang kasamahan kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Si Joel Mendez ng Novaliches, Quezon City ay natagpuan ng isang nagngangalang Lolita Saucero, barangay tanod sa Brgy. Ugong dakong ala-1 ng hapon.
Nakita ni Saucero, na inilaglag ito ng isang hindi nakikilalang lalaki habang lulan sa isang Enduro type motorcycle na walang plaka at saka mabilis na sumibad.
Kinumpirma naman ni SPO1 Hector de Vera na si Mendez ay isa sa humoldap at bumaril sa biktimang si Jimmy Tiu, 34, may-ari ng Welstar Merchandise na matatagpuan sa Roosevelt Ave., Muñoz, Quezon City.
Nabatid na kagagaling lamang ng Chinese trader sa Land Bank at nag-withdraw ng P500,000 nang holdapin ng mga suspect.
Nanlaban ang biktima kaya binaril ito ng isa sa mga suspect.
Nagresponde naman ang mga sekyu sa nabanggit na bangko at tinamaan habang tumatakas ang isa sa mga suspect na ito ay pinaniniwalaang si Mendez.
Posible umanong tuluyan na itong iniwan ng kanyang kasamahan matapos mabatid na wala na itong buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest