^

Metro

Ebdane nagpaliwanag sa paglilipat kay Erap

-
Nasa lugar ang ginawang pagkuha at pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) kay dating Pangulong Joseph Estrada sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa magulong sitwasyon noong nakaraang linggo kung kailan nag-alsa ang Magdalo Group.

Ito ang iginiit kahapon ni PNP Chief Director Gen. Hermogenes Ebdane sa kanyang apat-na-pahinang pahayag na isinumite sa Sandiganbayan.

Ikinatwiran ni Ebdane na hindi malayong maglunsad ng malaking rally sa VMMC ang mga tagasuporta ni Estrada base na rin sa nakalap nilang intelligence report kaya inilipat nila ang dating Pangulo.

Nagdesisyon lamang ang PNP na ibalik si Estrada sa VMMC mula sa Detention Facility ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo matapos gumanda ang sitwasyon.

Hindi lamang aniya ang kaligtasan ni Estrada ang kanilang isinaalang-alang sa ginawang paglipat dito kundi ang seguridad ng bansa.

Ang paliwanag ni Ebdane ay kaugnay sa kahilingan ng mga abogado ni Estrada na i-contempt at parusahan ang mga pinuno ng PNP dahil sa paglilipat kay Estrada sa Camp Aguinaldo noong nakaraang Linggo. (Ulat ni Malou Escudero)

CAMP AGUINALDO

CHIEF DIRECTOR GEN

DETENTION FACILITY

EBDANE

HERMOGENES EBDANE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MAGDALO GROUP

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with