Kidnaper ng gf tugis
July 28, 2003 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang 28 anyos na lalaki makaraang dukutin nito ang kanyang sariling nobya kung saan ipinatutubos din ito sa halagang P5,000 kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Si Carlos Allnisa ng Meyland Village, Valenzuela City ay wanted pa rin sa mga awtoridad habang naaresto naman ang kasamahan nito na si Albert Palmero ng naturang lugar matapos na isagawa ang isang entrapment operation.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, buwan ng Mayo pa umalis sa kanilang bahay sa Mandli, Candaba, Pampanga ang biktimang si Imelda Pelayo, 20 upang ayusin ang kanyang papeles patungong Japan.
Nalaman na lamang ng ama ng biktima na si Gaudencio Pelayo na hawak ni Allnisa ang biktima sa pamamagitan ng text message.
Nakasaad sa text message nito na kailangang magdala ng P5,000 ang ama ng biktima sa Grand Central na pantubos sa kanyang anak.
Mabilis namang kumilos ang mga awtoridad na agad na nagsagawa ng entrapment subalit hindi naman nagpakita si Allnisa.
Inamin ni Palmero na inutusan siya ni Allnisa na katagpuin ang ama ng biktima dahil ang pagkaka-alam niya ay nagtanan ang dalawa dahil sa ang mga ito ay magkasintahan.
Nilinaw ni Palmero na wala siyang alam sa pangingidnap sa biktima at sa katunayan ay handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad upang madakip si Allnisa. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am