3 Chinese nahulihan ng shabu sa loob mismo ng Bilibid
July 25, 2003 | 12:00am
Tatlong Chinese national na nakapiit sa National Bilibid Prison (NBP), dalawa dito ay death convict ang nahulihan ng droga sa isinagawang raid sa loob ng maximum security compound ng nasabing piitan, kamakalawa.
Kinilala ang mga bilanggo na sina Peter Co, na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo; Willy Yang at Cheng Shewa, kapwa nahatulan ng bitay.
Sa ulat, nagsagawa ng raid ang pamunuan ng NBP sa ilang selda dito.
Nagtaka ang mga prison guard kung bakit sina Yang at Shewa ay nakita sa selda ng mga bilanggong nahatulan ng habambuhay gayong lethal injection ang hatol sa kanila.
Sa isinagawang inspeksyon nasamsam sa mga Instik ang may 30 gramo ng shabu na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang pagpa-pot session sa loob.
Isang masusing imbestigasyon din ang isinasagawa para alamin kung papaano nakakapagpasok ng droga ang mga nabanggit na dayuhang bilanggo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest